Sa mga katulad kong hindi pumasa ng UPCAT…

10322808_10152438956658336_343322193184859056_n

via

Naalala ko pa..nine years ago, nakarating din sa akin ang balita…tulad mo, wala daw yung pangalan ko sa mga pumasa. Ouch. Masakit diba?

May narinig ako nagsabi, may dalawang college lang daw sa Pilipinas…UP and others. Nuong una, eto din ang motto ko..sino nga ba naman ang hindi mangagarap na maging isang Isko o Iska?

Pero hindi lahat ng pangarap natutupad. Yun ang reality, diba? Kaya nung nabalitaan ko na hindi ako natanggap…well, sa taas yata kasi ng pangarap ko…wala na akong magawa kundi magmove on sa susunod na option…pasukan ang college kung saan kaya ni Papa at Mama ang bayad sa tuition…Heeeeello, Probinsiya! :)

Kaya naman, dito na ako nag-aral…welcome to my *now* Alma Mater, Saint Mary’s University!!!

smu1.12201147_std

via

Hindi ko alam kung saang college ka mag-eenroll ngayong katulad ko hindi ka pumasa…siguro in the end, mapupunta ka din sa UP kung balak mong magpatransfer…pero alam mo, kung katulad mo ako na hindi pumasa…ang masasabi ko lang..AYOS LANG YAN! :) Bakit?

Kasi…napatunayan ko…

…na hindi ang pag-aaral sa UP ang magdedefine ng future ko.

…na hindi ang pagpasok sa UP ang tanging makakapagpaligaya sakin.

…na hindi ang diploma galing sa Unibersidad ng Pilipinas ang kukumpleto sa buhay ko.

So, sino?

Si God. Siya lang at wala ng iba pa. :)

At alam mo ang nakakatuwa? Sa pagpasok ko sa SMU, dito ko Siya nakilala…pati ang mga kaibigan na laging nag-eencourage at nagbibigay kulay sa aking buhay na dati ay napakalumbay.

Kagabi, habang nasa gitna ng Campus Night kung saan kasama ko ang napakadaming students galing sa mga colleges and universities dito sa Probinsiya na nagprapraise and worship kay God, naisip ko tong mga bagay na ‘to…sabay tanong…”kung nakapasa kaya ako sa UP makikilala ko din kaya si God dun?” o di kaya… “maeexperience ko din kaya yung ganitong klaseng kaligayan kung sa UP ako napadpad?” Siguro, oo din. Pero baka hindi rin…

Pagkatapos ng lahat ng pag-iisip na yun, napasmile nalang ako..at napa-thank you kay God..kasi Siya lang talaga ang in control ng lahat ng nangyari at mangyayari pa sa buhay ko…katulad ng sa iyo :) He is in control and He knows whats best for us…way better sa mga plano at pangarap natin.. :)

Kaya ngumiti ka na…kasi ang future mo ay punong-puno ng pag-asa! :)

Advertisements

One thought on “Sa mga katulad kong hindi pumasa ng UPCAT…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s